“AN ORDINANCE REGULATING THE USE OF MOTORCYCLES AND TRCYCLES WITH MODIFIED OR DEFECTIVE MUFFLERS/EXHAUST PIPES WHICH EMIT IRRITATING, ANNOYING OR DISTURBING SOUNDS.”
Ang ordinansa pong ito at iba pang mga batas trapiko na may kaugnayan dito, ay naglalayong protektahan ang mga mamamayan sa ingay at istorbong dala-dala ng mga “modified o defective” na mga tambutso. Kasama na rito ang mga paaralan, simbahan, at kahit mga pribadong mamamayan na nadi-disturbo sa mga oras ng kanilang pamamahinga.
Mabigat po ang kaakibat na penalidad ng sinumang lalabag dito. Ayon sa Section – 9 (Penalty Clause) maaaring pag multahin ng 3,000.00 pesos, ngunit di naman lalagpas sa 5,000.00 pesos. Maaari ring makulong ng apat (4) na buwan hanggang walong (😎 buwan. O kaya ay parehong multa at pagkaka kulong.
Maaari ring kumpiskahin o ma-impound ang motorsiklo o tricycle na mahuhuling gumagamit nito. Ito ay ayon naman sa Section – 7 (Implementation) ng ordinansang ito.
Sa kasalukuyan, ayon kay P/Cpt. Rudy Divinagracia, Chief of Police Officer-In-Charge, sinimulan na nila ang operasyon nang mga nakaraan pang mga araw upang hulihin ang mga lumalabag sa ordinansang ito at nagpapatuloy sila sa ganitong gawain. Ayon pa sa Hepe ng Juban Municipal Police Station, nakapagtala na sila ng hindi bababa sa sampung (10) nahuli na mga violators.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mahigpit na direktiba ni Mayor Botox-Rogel Blanqueza Fulleros na ipatupad ang kaayusan at katahimikan ng Bayan ng Juban ng naaayon sa mga umiiral na mga batas. At ito ay bungsod na din ng maraming mga reklamo ng mga apektadong mamamayan na ipinararating sa Tanggapan ng Alkalde.
Sundin po natin ang mga batas, upang mapanatili ang katahimikan, kaayusan at maging ligtas.