Kasalukuyang nagsasagawa ng flushing o paglilinis ng mga kanal ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection – BFP Juban ngayong hapon. Ito ay ginagawa sa Juban Public Market o palengke.
Matatandaang sa unang araw pa lang ng panunungkulan ni Mayor Botox-Rogel Blanqueza Fulleros noong Hulyo a-uno, ay kaagad itong nanguna sa paglilinis ng palengke ng bayan madaling araw pa lamang. At ito ay tuloy-tuloy na gawain ng mga kawani ng munisipyong itinalaga para rito.
Isa ang programa tungkol sa kalinisan sa mga pangunahin at personal na tinututukan ng alkalde, lalo na sa Public Market at iba pang mga pampublikong lugar. Ito ay upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa mga sakit na maaaring makuha sa maruming kapaligiran.
Ang BFP Juban sa pangunguna ni SFO3 Rio H. Rempillo at mga tawuhan nito, ay katuwang ni Mayor Botox-Rogel Fulleros hindi lamang sa paglilinis kundi mapanatili ito sa mga pampublikong lugar.
Saludo po kami sa pagtuwang ng ating mga magigiting at masisipag na mga firefighters ng BFP-JUBAN..Maraming salamat po at mabuhay po kayong lahat.