Isinagawa ngayong araw ng Lunes, petsa – 7 ng Hulyo, taong kasalukuyan, ang ikalawang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Juban, ito ay ginanap sa SB – Session Hall sa ikalawang palapag ng Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Juban.
Ang pagpupulong ay nag umpisa sa ganap na ala – una y medya (1:30 PM) ng hapon at ito ay nagtapos naman ganap na alas – 2 y medya (2:30 pm). At ito ay pinangunahan ng Presiding Officer na si Vice-Mayor Felipe G. Guasa.
Matapos ma determina ang quorum at ma aprubahan ang minutes ng previous session, ay agad namang nag move for amendment sa IRP of Internal Rules and Procedures si Hon. Russel Po. Balesa na gawing alas nuwebe ng umaga (9:00 am) ang Regular Session sa halip na alas tres ng hapon (3:00 pm). Sinegundahan naman ito ni Hon. Gershon Fulleros Cariño at ito ay unanimously approved.
Nagbigay naman ng kanyang privilege speech si Hon. Ma. Teresa G. Fragata. Sinundan at pagkatapos nito ay pansamantalang sinuspende ang rules upang mapag usapan ang ilang mga mahahalagang bagay at pagkatapos ay nag resume din kaagad ang session.
Isa rin sa mahalagang napag usapan ay ang paghain ni Hon. Manuel “Popo” T. Olondriz ng resolution ng pag authorize kay Hon. Botox-Rogel Blanqueza Fulleros, Municipal Mayor ng Juban, upang lagdaan nito ang Deed of Donation sa pagtanggap ang LGU Juban ng isang yunit ng Patient Transport Vehicle – PTV mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Matapos namang ma aprubahan ang mga ilan pang resolution ay nag adjourned agad ang konseho. At sila ay muling babalik sa Lunes, petsa 14, para sa kanilang 3rd Regular Session sa bago nitong oras na alas 9 na ng umaga.
Samantala, ang mga miembro ng Sangguniang Bayan ng Juban para sa Terminong mula 2025 hanggang 2028 ay ang mga sumusunod;
Presiding Officer:
HON. FELIPE G. GUASA
Vice-Mayor
Members:
HON. GERSHON F. CARIÑO
Municipal Councilor
HON. MANUEL T. OLONDRIZ, IV
Municipal Councilor
HON. JOSE ALDINE G. HABOC
Municipal Councilor
HON. ROY F. BALBEDINA
Municipal Councilor
HON. NENITA R. DESDER
Municipal Councilor
HON. RYAN G. DE JESUS
Municipal Councilor
HON. MA. TERESA G. FRAGATA
Municipal Councilor
HON. RUSSEL G. BALEZA
Municipal Councilor
HON. SILVERIO B. JEREMIAS, JR.
ABC Federation President
HON. APRIL SHAINE B. LLENA
SK Federation President
ROWENA H. GRESOLA
Secretary to the SB