Posted on by Webworks
Sa unang araw ng Hunyo, naganap ang isang Orientation para Special Program for Employment of Students o SPES, isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinangangasiwaan ng PESO Juban sa pamumuno ni Binibining Carmen Guevara - PESO Manager, sa Juban Training Center Annex Building, Extension Hall.Pinaunlakan ni Mayor Gloria L. Alindogan ang nasabing oryenteysyon upang makapagbigay mensahe at inspirasyon sa mga benepisyaryo ng programa. Mensahe ni mayor na sana ay pahalagahan at magsilbi itong tulay upang pagsumikapang makapagtapos sa pag-aaral ng sagayon ay matulungan ang pamilya o kapatid at makapaglingkod sa bayan. Dagdag pa ni mayor na minsan din ay naranasan nya ang hirap ng buhay lalo pa't nagmula siya sa pangkaraniwang lamang na pamilya. Dahil sa pagpupursige na makapagtapos ng pag-aaral, sa tulong na rin ng sipag at tiyaga ng kanyang ama ay nakapagtapos sya sa kolehiyo.Nais ni Mayor Glo na ang kaniyang kuwento ay magsilbing inspirasyon para sa mga mag-aaral na nagpupursige na makapagtapos sa kolehiyo.Ang 60 SPES Beneficiaries ay magbibigay serbisyo upang mas maging epektobo at mahasa ang kanilang kasanayan at talento.Sa ilalim ng DOLE youth employment-bridging program, ang SPES ay naglalayong makapagbigay ng temporero o pansamantalang trabaho para sa mga mahihirap at karapat dapat na mga estudyante upang masiguro na maipagpatuloy ang pag-aaral at makapag-tapos.
Sa unang araw ng Hunyo, naganap ang isang Orientation para Special Program for Employment of Students o SPES, isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinangangasiwaan ng PESO Juban sa pamumuno ni Binibining Carmen Guevara - PESO Manager, sa Juban Training Center Annex Building, Extension Hall.
Pinaunlakan ni Mayor Gloria L. Alindogan ang nasabing oryenteysyon upang makapagbigay mensahe at inspirasyon sa mga benepisyaryo ng programa. Mensahe ni mayor na sana ay pahalagahan at magsilbi itong tulay upang pagsumikapang makapagtapos sa pag-aaral ng sagayon ay matulungan ang pamilya o kapatid at makapaglingkod sa bayan. Dagdag pa ni mayor na minsan din ay naranasan nya ang hirap ng buhay lalo pa't nagmula siya sa pangkaraniwang lamang na pamilya. Dahil sa pagpupursige na makapagtapos ng pag-aaral, sa tulong na rin ng sipag at tiyaga ng kanyang ama ay nakapagtapos sya sa kolehiyo.
Nais ni Mayor Glo na ang kaniyang kuwento ay magsilbing inspirasyon para sa mga mag-aaral na nagpupursige na makapagtapos sa kolehiyo.
Ang 60 SPES Beneficiaries ay magbibigay serbisyo upang mas maging epektobo at mahasa ang kanilang kasanayan at talento.
