PARTNERSHIP SA PAGITAN NG CEBUANA LHUILLER FOUNDATION INC., DepEd JUBAN AT LOKAL NA PAMAHALAAN NG JUBAN PARA SA PAGPROMOTE NG ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM ISINAGAWA
Bumisita ang Cebuana Lhuiller Foundation Inc. sa Juban upang makipag-ugnayan. Nito ngang Hunyo 20, 2023 ay personal na pumunta sa tanggapan ng Alternative Learning System si CLFI Executive Director Jonathan D. Batangan at kanyang mga kasamahan upang i-turnover ang kanilang donasyon na naglalaman ng ICT materials na maaaring magamit ng ALS upang mas mapaganda ang kalidad ng kanilang serbisyo.
Sa maikling programang inihanda ng ALS Juban District, ay pinaabot nina Mayor Gloria L. Alindogan, Juban II District PSDS Lucy M. Hamor, Jose G. Alindogan Elementary School Principal I Ruel H. Escote at ALS District Coordinator Warlito A. Guerrero ang kanilang pasasalamat sa regalong handog ng Cebuana Lhuiller Foundation Inc. na malaking tulong upang maitaas ng mga nagbabalik eskwela ang antas ng kanilang pamumuhay. Ipinabatid nila ang kanilang katuwaan sa oportunidad na mapaganda ang serbisyo ng ALS sa Juban.
Hangga naman si Mr. Batangan sa suporta ng Lokal na Pamahalaan pati na ng DepEd sa ALS. Ayon sa kanya, ito ang ika-131 paaralang nakatanggap ng handog na ito mula CLFI na nagsimula noong 2013. Ito ay matapos makipag-isa ang Department of Education (DepEd) sa CLFI para sa ALS program na nagtatampok sa out-of-school youth at adults.
Kabilang rin sa kanilang mensahe ang pagtuturo ang Financial Literacy, ICT Competitiveness, Livelihood, Disaster Resilience, and Sports Development sa mga Jubangnon.
Inaasahang mas lalawig pa ang ugnayan ng Cebuana Lhuiller Foundation Inc., Lokal na Pamahalaan ng Juban at DepEd sa mga susunod na araw.
Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Juban, lubos na nagpapasalamat ang mga Jubangnon sa Cebuana Lhuiller Foundation Inc.! Mabuhay kayo!