Posted on by Webworks
Sa katatapos lang na 2023 Regional Nutrition Awarding Ceremony o RNAC na naganap nitong Miyerkules sa Concourse Convention Center, Legazpi City, binigyang oras ni Mayor Gloria L. Alindogan na makaharap at personal na mapasalamatan ang mga Barangay Nutrition Scholars ng Juban dahil sa nakamit na Green Banner Seal of Compliance para sa taong 2022 sa pangunguna ni Bb Ma Teresa Laut – Municipal Nutrition Action Officer Designate. Ito ay naganap ngayong Huwebes ng Hapon sa Evacuation Center, Brgy Tughan kasabay ng pagtatapos ng mga BNS sa kanilang Basic Life Support training, kasama ang Juban MDRRM Office na syang nagturo kung paano maisagawa ang pangunahing lunas, pagresponde, at iba pa.
Ipinakita ni Mayor Glo ang selyong natanggap at lubos na nagagalak dahil sa mahusay na pag-iimplementa ng MNAO kasama ang BNS sa mga proyekto at adhikain ng munisipyo, probinsya, rehiyon at maging ng nasyonal na matugunan ang pangangailang ng mga bata para sa malusog at matibay na pangangatawan.
Hamon din ni mayor na maitaguyod ang kanyang nais na MAKULAY at MASAGANANG BARANGAY na programa sa ilalim ng kanyang GLOW Program na tututok sa pagkakaroon ng mga gulayan sa bawat barangay ng sagayon ay kahit ano mang unos, ay may aanihing gulay ang bawat isa, partikular na ang pagtatanim ng mga halamang ugat.
Sa pagtatapos ng Nutrition Month na may temang, “Healthy Diet Gawing Affordable for All.” nais ni mayor na laging nakatutok ang bawat isa sa kalusugan ng mga Jubangnon para mapuksa at tuluyang masugpo ang malnutrisyon sa bayan.
Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Juban,
KAYO ANG TUNAY NA PANALO
MNAO at BNS!