Sa video na in-upload ni Isla Nars TV sa Facebook ay makikita ang pagkakaisa ng Lokal na Pamahalaan ng Juban na maihatid sa mga taga-Sablayan ang mga serbisyo ng LGU sa ikalawang taon ng BARANGAYANIHAN: Serbisyo Caravan. Makikita ang matiyagang pagbyahe ng humigit kumulang isang daang miyembro ng Baranggayanihan Technical Working Group dala-dala ang mga handog at sorpresa para sa mga taga isla. Makikita ang iba’t ibang departamento na abala sa pagpapasaya sa mga residente sa pamamagitan ng libreng check-up at pamamahagi ng gamot, pagkulay at gupit ng buhok, pamamahagi ng seeds at seedlings, pagpapalaro sa mga bata at iba pa.
Nagsponsor din ng pasayaw o pabayle para sa katuwaan ng mg residente.
Ang Barangayanihan ay unang ni-launch ni Mayor Gloria L. Alindogan noong 2023 sa pagnanais na mailapit ang serbisyo ng LGU sa mga malalayong barangay.