Nagsimula ang prusisyon sa Sorsogon Sports Complex kaninang alas singko ng hapon.
Ang kauna-unahang Santacruzan sa bansa ay naganap noong 1867 sa Malolos, Bulacan na ipinakilala ng mga Kastila sa bansa ngunit naging bahagi na ng tradisyon at kulturang Pilipino. Mula ito sa mga salitang Kastila na sta cruz na ang ibig sabihin ay banal na krus. Isa itong novena procession kung saan ang novena prayer ay tungkol sa pagbibigay-galang sa Banal na Krus.
Ang Santacruzan ang malikhaing pagsasadula ng paghahanap ni Reyna Elena ng Konstantinople at ng kanyang anak na si Constantinong Dakila sa tunay na krus na pinagpakuan kay Jesus upang maibalik ito sa Roma.
Sa buong prosisyon, nakasoot ang mga kabataang babae at lalaki ng napakagagandang damit na bagay sa karakter na kanilang ipino-portray. Mayroong anghel, bituin, Damas y Caballeros, reyna at iba pa .
Bahagi ito ng programang Beautiful Sorsogon ng Probinsya ng Sorsogon at ng Sorsogon Provincial Tourism Office. Tara na at makiisa sa makulay na selebrasyon!
Experience the Beautiful Sorsogon! Where Beauty is Everywhere.