Posted on by Webworks
Bilang pagtatapos sa selebrasyon ng Nutrition Month para sa taong 2023 na may temang “Healthy Diet Gawing Affordable for All!”, isang culminating activity ang idinaos ng Municipal Nutrition Action Office sa Juban Training Center. Ito ay pinangunahan ni Municipal Nutrition Action Officer Ma. Teresa A. Laut na dinaluhan naman ng mga Barangay Nutrition Scholar at ilang mga Jubangnon.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin na sinundan ng pag-awit ng Philippine National Anthem. Matapos ito ay masiglang nagsipaghataw ang lahat sa zumba challenge.
Nagbigay naman ng maikling mensahe si Bb. Eiza May B. Balaguer, kinatawan ni Municipal Mayor Gloria L. Alindogan, sa kahalagahan ng mura at wastong nutrisyon sa madla lalo na sa mga pamilya. Binigyan diin din niya ang patuloy na pagsuporta ni Mayor Glo sa mga programang nagsusulong ng tama at wastong nutrisyon sa pamamagitan ng 7G Programs partikular na ang GLOW Juban. Pinasalamatan niya rin ang lahat sa aktibo nitong partisipasyon sa nga programa at aktibidad ng munisipalidad na siyang naging daan upang makamit ng Juban ang malusog at masaganang pamumuhay. Kinilala rin niya ang sipag at husay ng MNAO partikular na ng patnugot nitong si Bb. Laut.
Isang Cooking Demo naman ang naganap matapos ito bilang pagpapakita na ang healthy diet ay dapat na kayang gawing available sa lahat.