Posted on by Webworks

Naganap ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 21, 2023, ang isang Breakfast Meeting kasama ang mga presidente ng Senior Citizen ng bawat barangay sa Bayan ng Juban. Pinangunahan ni Mayor Gloria L. Alindogan ang nasabing pagpupulong kasama sina Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Apin, at Senior Citizens Affairs Officer Fe Alindogan.
Kanilang pinag-usapan ang mga hakbang ng administrasyon sa pagtutok sa mga senior citizens gaya ng kalusugan at iba pang mga programang aasahan sa mga susunod na buwan. Sa ilalim ng GLOW Program ni Mayor Glo, binibigyang tuon ang kalusugan ng mga Jubangnon partikular na ng bawat senior citizen. Ito ay sa pamamagitan ng mobile check-up hatid ang libreng gamot at handog. Mismong si Mayor Glo ang nag-iikot kasama ang ilang doktor.
Nagbigay din si Mayor Glo ng regalong grocery sa mga presidente na sya namang lubos na ipinagpapasalamat ng mga ito.