Posted on by Webworks
Ngayong Araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo 2023, naganap ang isang Kalayaan Job Fair hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Probinsya ng Sorsogon sa pangunguna ni Mary Jane L. Rolda – DOLE-SPO Provincial Head, sa pakikipagtulungan ng SM City Sorsogon na idinaos sa Activity Center, Ground Floor, SM City Sorsogon, Balogo, Sorsogon City. Sa ganap na oras ng alas otso ng umaga ay pormal na nagsimula ang programa kasama ang kinatawan ng DOLE RO V, City Mayor Ma. Ester Hamor, at Asst. Mall Manager Ryan Servano.
Dumagsa ang mga aplikante sa nasabing job fair; nagbabakasakali at nagpupursigeng matanggap sa trabaho.
Sa parehong okasyon, naganap din ang ceremonial awarding of cheque assistance para sa DILP Beneficiaries at DOLE Accredited Co-Partners.
Sina Jenny Acabado – taro and banana chips processing and vending, Edward Diasanta – boneless bangus, Kimberly Ereve – cooked viand vending, at Santos Espera – furniture maker ang kuminatawan sa 49 Uswag Juban Individual Livelihood Project bilang DILP Beneficiaries. Ang 49 Jubangnon beneficiaries ay makakatanggap ng parehong benepisyo mula sa DOLE.
Ang Uswag Juban Individual Livelihood Project, at Sorsogon Dressmaking and Tailoring Livelihood Association (Group Project) naman ang nakatanggap ng assistance bilang DOLE Accredited Co-Partner na tinanggap nina Gng Zenaida Venus, bilang presidente ng asosasyon, at Bb Eiza May Balaguer, bilang kinatawan ni Mayor Gloria L. Alindogan , at Bb Carmen Guevara ng PESO Juban.
Ang livelihood assistance ay tulong pinansyal para sa mga na-identipikang indibidwal at organisasyon upang maipagpatuloy at mapalago ang pangkabuhayan nito.
Kasalukuyan paring nagaganap ang job fair na magpapatuloy hanggang mamayang alas singko ng hapon.