Patuloy si Mayor Gloria L. Alindogan sa pamimigay ng mainit na lugaw sa mga pasyente sa Rural Health Unit ngayong araw ng Martes, ika-2 ng Agosto 2023.
Katatapos nga lang ng Buwan ng Nutrisyon nitong nakaraang buwan ng Hulyo, gayun pa man ay patuloy si Mayor Glo sa pamamahagi ng mainit na lugaw sa mga Jubangnon bilang parte pa rin ng kanyang programang GLOW Program na layuning matugunan at mamintena ang kalusugan ng bawat mamamayan.