Muling binista ni Mayor Gloria L. Alindogan si Tatay Jose Detera, bed ridden na residente ng Barangay Taboc na magdiriwang ng kaniyang ika-95 na kaarawan ngayong ika-13 ng Agosto.
Bilang maagang regalo at pangako, minabuti ni Mayor Glo, na balikan si Tatay Jose upang mabigyan ng bagong wheel chair at matingnan ang kasalukuyang lagay, kasama si Josefina Deri – Project Inspector at Doktora Elaine May O. Laguilles ng RHU Juban para sa check-up at mabigyang sapat na gamot.
Masaya naman ang anak nitong si Nelia Estur dahil sa muling pagbisita ni mayor at pagtupad sa hiling na mabigyan ng bagong wheel chair upang mailabas ng bahay paminsan minsan, at para na rin makapasyal at makalanghap ng sariwang hangin.