Posted on by Webworks



Isang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Meeting ang isinagawa sa Executive Conference Hall, LGU Compound, Barangay South Poblacion, Juban, Sorsogon ngayong Hulyo 21, 2023. Ito ay pinangunahan ni Vice Mayor Felipe G. Guasa na kuminatawan kay Mayor Gloria L. Alindogan.
Iprinesenta ni Ginoong Arvee T. Lodronio ng Juban MDRRM Office ang mga sumusunod na paksa:
1. Approval ng 2023 Local Disaster Risk Reduction Management Fund Investment Plan Realignment;
2. Apprival ng Volcanic Eruption Contingency Plan;
3. Preparasyon ng nalalapit na National Disaster Resilience Month Closing Ceremony;
4. Approval ng 2024 LDRRMFIP; at
5. Iba pang mga paksang nangangailangan ng agarang atensyon.
Naaprubahan naman ang mga 2023 LDRRMFIP Realignment, Volcanic Eruption Contingency Plan, at 2024 LDRRMFIP.
Samantala, nagbigay din ng update si Ginoong Lodronio tungkol sa low pressure area na namataan ng PAGASA 900 kilometro ang layo sa East ng South Luzon, na ngayong biyernes ay tuluyan nang naging Tropical Depression. Ang tropical cyclone na ito ay pinangalanang “Egay”. Ito ay hindi naman maglalandfall ngunit inaasahang maaaring magdulot ng pag-ulan sa darating na Linggo’t Lunes.