Maaari nang makakuha ng application form ang mga nais na mag-apply para sa 2023 Scholarship Assistance Program ng Lokal na Pamahalaan ng Juban. Para sa nga interesado, maaaring magtungo sa Office of the Municipal Mayor o ‘di kaya ay bumisita sa https://www.jubansorsogon.com.ph para madownload ang form. Available din ang application form tuwing miyerkules sa mga piling barangay sa pamamagitan ng BARANGAYANIHAN 2023.
Bukas ang application sa lahat ng mga mag-aaral na Jubangnon na incoming 1st year, 2nd year, o 3rd year college. Kumpletuhin lamang ang requirements.
Ano pa ang hinihintay niyo? I-tag na ang mga kakilala niyo at apply na!
LGU JUBAN 2023 SCHOLARSHIP ASSISTANCE PROGRAM APPLICATION NAGSIMULA NA!