Sa selebrasyon ng ika-125 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, nakiisa ang Bayan ng Juban sa pangunguna at pamumuno ni Mayor Gloria L. Alindogan at Municipal Human Resource Management Officer Mary Jean Peña kasama sina Vice Mayor Felipe Guasa, Councilor Danilo Dolosa, Councilor Roy Balbedina, Councilor Rey Guab, at Councilor Aida Guevarra.
Ginunita ito sa naganap na Flag Raising and Wreath Laying Ceremony ngayong Araw ng Kagitingan, Hunyo 12, 2023 sa Juban Heritage Park (Juban Rizal Park) kasama ang ating mga magigiting na uniformed personnel na sina PCPT Reynaldo Solomon Antes IV – OIC Chief of Police – Juban MPS, INSP Gene H Mendoza – Acting Municipal Fire Marshal – BFP Juban, PCPT Alhakim R Haman – Commanding Officer 92 SAC, CG PO1 Botchoy A Pantangan CGSS Talisay/CGMT Juban, kinatawan mula sa 31st IB at 22IB 9ID PA. Presente din ang dalawang PSDS ng Juban na sina Lucy M. Hamor ng Juban I District, at Liny B. Grefal, OIC ng Juban II District, mga Department Heads ng LGU Juban at empleyado, mga Guro, mga Brgy Captains at Kagawad nito.
Ang selebrasyon ay paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.
Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Juban,
MALIGAYANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG KALAYAAN!
JUBAN NAKIISA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN NG PILIPINAS