Personal na iprinesenta nina Mayor Gloria L. Alindogan, Vice Mayor Felipe Guasa at PCPT REYNALDO S ANTES IV, Officer-In-Charge ng Juban Municipal Police Station, ang bagong police patrol car mula Pamahalaang Panlalawigan sa madla kasabay sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony sa Juban Municipal Grounds kahapon Setyembre 18, 2023.
Ito ay naging posible sa inisyatibo ni Governor Edwin “Boboy” Hamor sa pamamagitan ng kanyang 7K KATRANGKILUHAN Program. Ito ay karagdagang kagamitan na maaaring magamit sa mga operasyon sa pagpapatupad ng batas lalo na sa mga aktibidad ng ilegal na droga at sa paglaban ng kriminalidad sa bayan, na naaayon sa Local Anti-Criminality Action Plan upang itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa loob ng Munisipalidad ng Juban.
Sa mensahe ni Mayor Glo ay pinasalamatan niya si Governor Boboy at ang mga implementor ng 7K Programs sa masigasig nilang pagtulong sa mga Munisipalidad. Ipinaabot niya din ang suporta ng LGU sa PNP.
Ipinaabot naman ni PCPT Antes IV ang kanyang walang hanggang pasasalamat sa PLGU Sorsogon partikular na kay Governor Boboy at LGU Juban para sa kabutihang loob nito na bigyan ng ganitong suporta at pagtitiwala ang mga kapulisan.