Nakipag-ugnayan ang BFP R5 Juban sa Juban MDRRM Office para sa pagmonitor ng aktibidad ng Typhoon “Egay” ngayong Hulyo 24, 2023. Mismong sina Acting Municipal Fire Marshal INSP GENE H MENDOZA at Municipal Disaster Risk Reduction Managment Officer Ginoong Arvee T. Lodronio ang nanguna sa nasabing close coordination na ginanap sa MDRRMO Operation Center sa Barangay Tughan, Juban, Sorsogon. Mahigpit nilang binabantayan ang mga lugar na bahain at landslide-prone.
Kaugnay nito nay ilang paalala naman ang tanggapan ng Alkade na si Hon. Gloria L. Alindogan bilang paghahanda bago ang bagyo:
1. Sumubaybay sa mga balita tungkol sa ulat-panahon, sa radyo, tv at internet;
2. Alamin ang mga senyales ng matinding pagbaha at ang evacuation plan na kaakibat nito;
3. Siguraduhing maayos ang kalagayan ng bahay, lalo na ang bubong, mga bintana, at pinto;
4. Maghanda ng first aid kit;
5. Ihanda ang “Go Bag” na may lamang inuming tubig, biskwit, delata, at iba pang pagkain;
6. I-charge ang mga mahalagang gamit, tulad ng cellphone, radio, at flashlight o powerbank, sakaling mawalan ng kuryente;
7. Alamin ang mga emergency hotlines ng ating bayan na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna; at
8. Magtabi ng pera at ilagay ang mga importanteng dokumento sa waterproof na lalagyan.