Isang joint Municipal Peace and Order Council, Municipal Anti Drug Abuse Council at MTF ELCAC miting ang isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Juban sa pangunguna ni Honorable Mayor Gloria L. Alindogan kahapon, ika-9 ng Agosto 2023 sa Executive Conference Hall. Tampok sa nasabing miting ang mga sumusunod na paksa:
1. Peace and Order Situation Report para sa unang semestre ng taon;
2. Anti-insurgeny Situationer Report;
3. Peace and Order and Public Safety Plan (POPS Plan) Accomplishment para sa unang semestre ng taon;
4. Resulta ng 2022 POC Audit;
5. PNP Anti-Drug Situationer Report;
6. Resulta ng 2022 ADAC Audit;
7. Kalagayan ng mga proyekto sa ilalim ng 2022 Support to Barangay Development Program (SBDP);
8. BARANGAYANIHAN 2023: Serbisyo Caravan; at
9. iba pang mga paksa.
Naging maganda naman ang resulta ng POC at ADAC Audit kung saan nakakuha ang Juban ng mataas na marka. Matagumpay rin ang BARANGAYANIHAN 2023 kung saan ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Juban ay inilalapit sa mga mamamayan ng Juban.
Pinasalamatan naman ni Mayor Glo ang patuloy na pagsusumikap ng bawat isa upang makamit ang isang mapayapa at maayos na Juban. Ang adhikaing ito ay maaabot lamang sa pamamagitan ng pagtutulungan kaya naman hinikayat niya ang lahat na ipagpatuloy ang mga epektibong pamamaraan ng pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa Juban.