Posted on by Webworks
CENTENARIAN AWARD PARA SA 100 YEARS OLD NA SI LOLA SOLEDAD
Naganap ngayong Miyerkules ng hapon ang isang Awarding Ceremony of the Centenarian sa LGU Juban Municipal Hall Lobby para kay Lola Soleda Guiban Altes na 100 years old mula Barangay Guruyan. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Municipal Social Welfare Officer Mrs. Susan A. Apin, katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs sa pamumuno ni Mrs. Fe T. Alindogan at mga staff ng MSWDO. Kasama si Mayor Gloria L. Alindogan at Municipal Councilor Nenita Desder, ay iginawad ang isang Centenarian Cash Gift mula sa Lokal na Pamahalaan ng Juban bilang counterpart nito sa ating centenarian awardee.
Mula naman sa kinatawan ng Department of Social Welfare and Development Field Office V na si Ms. Ruffa G. Banastao – Project Development Officer II, Centenarian Focal, ay iginawad ang Centenarian Cash Gift mula gobyerno alin sunod sa Republic Act No. 10868 o “Centenarians Act of 2016” na nagbibigay monetary benefit sa mga senior citizens edad 100 pataas. Kasama rin nito ang isang letter of felicitation mula sa Pangulo ng Pilipinas.
Presente din ang pamilya ni Lola Soledad na lubos na nagpapasalamat sa cash gift na iginawad kay lola.
Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Juban,
“Happy Centenarian Lola Soledad!”