Sa huling Biyernes ng Buwan ng Hulyo, nagbigay serbisyo ang Lokal na Pamahalaan ng Juban sa pamamagitan ng program nitong Barangayanihan 2023 Serbisyo Caravan sa Brgy Putingsapa. Dala ang ilang serbisyo gaya ng birth late registration, libreng konsulta, business registration, hair cutting at hair coloring, manicure at pedicure, libreng pananim na punong kahoy at gulay, at marami pang iba.
Presente naman sa nasabing aktibidad si Mayor Gloria L. Alindogan , Vice Mayor Felipe Guasa, Municipal Councilors Hon. Roy Balbedina at Hon. Aida Guevarra.