Posted on by Webworks
Patuloy ang programang Barangayanihan 2023 sa pagbibigay serbisyo sa mga Jubangnon. Ngayong araw, ika-14 ng Hunyo 2023 ay nagbigay serbisyo ang Lokal na Pamahalaan ng Juban sa Barangay Biriran na sya namang mainit na dinagsa ng mga Biriranon.
Kasama ang ilang mga empleyado ng mga departamento gaya na lamang ng:
✓Office of the Municipal Assessor – para sa serbisyong may kinalaman sa lupa at ari-arian
✓Municipal Civil Registrar – para naman sa mga nais kumuka ng PSA birth certificate, late registration at iba
✓Municipal Social Welfare and Development Office – para sa mga nais humingi ng tulong pinansyal
✓Municipal Environment and Natural Resources Office – na nagbibigay mga seedlings ng bungang kahoy
✓Office of the Municipal Agriculturist – na nagbibigay ng pananim na gulay
✓Municipal Health Office – para sa libreng check up at mga gamot
✓Municipal Treasurer’s Office – para sa mga nais kumuha ng cedula
✓BFP Juban – para sa fire safety and demonstration
✓PNP Juban – para sa self defense demonstration, at
✓Mayor’s Office – para sa LGU Scholar
Patuloy ang Barangayanihan na abutin lahat ng mga barangay sa Bayan ng Juban para maghatid serbisyo.