Muli nating ipagdiriwang ang ika-224 Anibersaryo ng Pagkakatatag (Founding Anniversary) ng Bayan ng Juban, kasabay ang pagdiriwang ng isa sa malaking selebrasyon ng bayan ang ika Sampung Taon ng GuJuban Festival ngayong Abril 10-13, 2023 na may temang, "Isang Dekada, Isang Bayang Nagkakaisa".

Ang GuJuban Festival ay taunang selebrasyon ng Bayan ng Juban tuwing Abril Siete bilang paggunita sa bayan ng ito'y maging isang ganap at independyente na bayan noong Abril 7, 1799. Ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Superior Decree noong Enero 28, 1799, ang Gobernadorcillo ng Probinsya ng Albay, D.B. Fab Leonardo ay ipinag-utos na tawagin ang mga cabeza de barangay at prayles na magtipon-tipon noong Abril 7, 1799, at lumahok sa pagbuo ng isang grupong may apat na pung tao (40 men) na maglilingkod sa gobyerno para guluhin at itaboy ang mga moros piratas na sumasalakay sa bayan.

Simula noon, ang Bayan ng Juban ay naging isang ganap na bayan na may pagkakaisa at malaya sa kamay ng mga Moros Piratas.

Ngayong taon, muli nating masasaksihan ang pagkakaisa ng mga Jubangnon sa pakikiisa at pagkikilahok sa ilang mga aktibidad ng pagdiriwang. Ipapamalas ng mga Jubangnon ang kanilang talento, talino, husay, kultura, tradisyon, at mga likha.

Narito ang Kalendaryo ng mga Aktibidad (Calendar of Activities) para sa ika sampung taong selebrasyon.

(ang mga detalyes sa bawat aktibidad ay ipo-post o ipagbibigay alam sa mga susunod na araw)