
Muling kinilala ng Department of Interior and Local Government Region V ang kagalingan ng Lokal na Pamahalaan ng Juban sa pamamahala nito ng pananalapi ng bayan. Isa nga ang Juban sa siyamnapu’t dalawang (92) lokal na pamahalaan sa rehiyong Bicol sa listahang inilabas na 2023 Good Financial Housekeeping passers ng DILG Region 5.
Ang Good Financial Housekeeping ay nagsusulong ng katapatan at akontabilidad ng mga lokal na pamahalaan. Ang mga pinansyal na tala ng mga lokal na pamahalaan, hindi lang sa rehiyong Bicol kundi sa buong bansa, ay ina-assess sa pamantayan ng Commission on Audit o COA at ng Full Disclosure Policy ng DILG.
Isa rin ang Good Financial Housekeeping sa mga kailangang ipasa ng mga lokal na pamahalaan bago mapabilang sa Seal of Good Local Governance Awardees.